Marbury darating ngayon para sa charity work

MANILA, Philippines - Bilang pagtupad sa kanyang pangakong pagtulong sa mga mahihirap na Pinoy partikular ang kabataan, nakatakdang dumating ngayon si dating two-time National Basketball Association (NBA) All-Star Stephon Marbury para sa isang three-day stay at paggawa ng charity work.

Sisimulan ni Marbury ang kanyang ikaapat na Manila visit sa pakikiisa kina Sen. Juan Edgardo ‘Sonny’Angara, Manila vice mayor Isko Moreno at kanyang local agent na si Sheryl Reyes para sa isang shoe-giving project sa  Tondo National High School.

Ang aktibidad ay kaugnay sa hangarin ni Marbury na makapagbigay sa kabataan ng low-cost, high-quality footwear sa pamamagitan ng kanyang Starbury shoe line kasabay ng pagpo-promote ng active lifestyle.

 

Show comments