Nagpaalam na sa Gilas team ayaw i-push ni Fonacier

MANILA, Philippines - Ito na siguro ang pinakamabigat na desisyong ginawa ni Larry Fonacier sa kanyang basketbal career.

Kahapon ay nagpaalam si Fonacier bilang miyembro ng Gilas Pilipinas bunga ng kanyang mga nararamdamang injury na sinasabi niyang makakaapekto sa kanyang paglalaro.

Lubos naman itong ikinalungkot ni head coach Chot Reyes.

“It is with deep sadness that we have to accept Larry’s request to beg off the Gilas pool for the meantime,” sabi ni Reyes sa isang official statement.

Inamin ni Reyes na halos dalawang taon nang nag-lalaro ang 6-foot-2 shooting guard na may iniindang foot at back injury.

Ngunit sa kabila nito ay walang makikitang reklamo ang dating Ateneo Blue Eagle.

 “Unknown to many, Larry has been playing through a variety of foot and back injuries that have bothered him the past two years; and it is only his great dedication that has prevented him from taking anytime off,” ani Reyes kay Fonacier.

“However, the rigors of playing almost non-stop in the PBA and national team for the past three years has taken its toll, leaving Larry with no recourse but to accede to his doctors’ orders for complete rest and rehabilitation. We will definitely miss Larry’s quiet leadership and unyielding heart,” dagdag pa ng national mentor.

Ang tinaguriang ‘The Baby Face Assassin’ ang isa sa mga nakatulong sa pagsikwat ng Gilas Pilipinas sa tiket patungo aa 2014 FIBA World Cup sa Spain.

Ang pagkawala ni Fonacier ang inaasahang magpapasok kay Paul Lee sa final line up ng Nationals para sa FIBA World Cup sa Spain at sa Asian Games sa Incheon, Korea.

Bukod kay Lee, ang iba pang mga bagong isinama ni Reyes sa training pool ay sina Beau Belga, Jay Washington at Jared Dillinger.

Magtutungo ang Gilas Pilipinas sa Miami, Florida para sa kanilang training camp na nakatakda sa Agosto 1-4 bago ang mga tune-up matches kontra sa Brazil, Angola, ACB Select, France, Australia, Ukraine, Euskadi, Dominican Republic at Egypt sa Italy at France sa Agosto 8 hanggang 25.

 

Show comments