Huwag nang pagtakahan ang kakayahan ni Kiefer Ravena

MANILA, Philippines - Hindi dapat pagtakahan kung bakit nakapagtala ng career high 29 puntos si Kiefer Ravena sa kanyang ikalawang paglalaro sa Ateneo Blue Eagles sa 77th UAAP season.

“Naghanda ako mula pa noong summer at ito ang resulta,” wika ni Ravena nang pangunahan ang Eagles sa karibal at nagdedepensang kampeong La Salle Green Archers sa 97-86 dominasyon noong Linggo.

Limang 3-pointer ang pinakawalan ni Ravena sa huling laro at apat rito ay nangyari sa huling yugto para makakawala ang Eagles.

Nagtala ng 4-of-5 shooting sa tres si Ravena sa huling yugto bukod sa 2-of-2 sa free throw line para makatikim din ng unang panalo si Eagles coach Bo Perasol laban sa Archers.

“Tinalo namin ang defending champion pero wala itong ibig  sabihin dahil marami pang laro ang kailangang maipanalo kung gusto naming mabalik sa dating puwesto,” pahayag pa ni Ravena na ang tinutukoy ay ang maging hari ng liga na huli nilang inokupahan dalawang taon na ang  nakalipas.

Isama pa ang 22 puntos na ginawa ni Ravena sa 79-57 demolisyon sa Adamson Falcons sa unang laro, walang tumutol sa mga mamamahayag na kumokober ng UAAP na igawad kay Ravena ang kauna-unahang UAAP Press Corps-ACCEL Quantum Plus/316 Player of the Week.

Samantala, nakopo ng defending champion De La Salle at ng runner-up noong nakaraang taon na National University ang kanilang ikalawang sunod na panalo habang pinuwersa naman ng Ateneo ang three-way tie sa liderato ng UAAP Season 77 wo-men’s basketball tournament matapos ang mga aksiyon nitong weekend sa Blue Eagle Gym.

Nagsanib sina Camille Claro at Ana Castillo sa 16 points nang igupo ng Lady Archers ang Adamson, 50-42, habang sinandalan ng Lady Bulldogs si Trixie Antiquiera na tumapos ng 15-points upang mau-ngusan ang University of Santo Tomas, 62-60.

Nagtala naman si Dani-ca Jose ng double-double na 22 points at 13 tungo sa 58-55 panalo ng Ateneo sa Far Eastern.

 

Show comments