LAS VEGAS – Pumirma na si Shabazz Napier ng rookie deal sa Miami Heat noong Biyernes kung saan kikita siya ng $1.2 million sa darating na season makaraang mapili bilang No. 24 overall pick sa draft noong nakaraang buwan.
Hindi nakapagtatakang makakuha ng ganitong kontrata si Napier ngunit sinabi niyang importanteng bahagi ng kanyang buhay ang pagpirma niya ng kontrata.
Babalik siya sa Miami nitong Sabado upang maghanda para sa training camp na magsisimula matapos ang 2-buwan.
Si Napier, naghatid sa Connecticut sa NCAA championship, ang ika-12 player na pumayag na lumaro sa Heat para sa darating na season.
Noong Biyernes, napapirma na ng Miami si forward Udonis Haslem sa two-year contract na nagkakahalaga ng $5.6 milyon.