^

PM Sports

Dalawang finals ticket pag-aagawan ng 4 teams

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Magpapatibayan ang apat na nakatayong koponan sa gaganaping 2014 PLDT Home-Philippine SuperLiga (PSL) All-Filipino Conference volleyball tour­na­ment semifinals ngayon sa Cuneta Astrodome sa Pa­say City.

Unang magbabakbakan ang RC Cola-Air Force Raiders at PLDT Home TVolution Power Attackers sa ganap na alas-3 ng hapon bago sundan ng pagkikita ng two-conference champions na Generika-Army Lady Troopers laban sa expansion team na AirAsia Flying Spikers sa alas-5 ng hapon.

Magtutuos ang IEM at Via Mare sa men’s division sa ikatlo at huling laro sa alas-7 ng gabi.

Ang mananalo sa women’s matches ang siyang a­abante sa championship round sa ligang inorganisa ng Sports Core at handog ng PLDT Home DSL bukod sa ayuda ng Mikasa, Asics, Mueller Tapes, Jinling Sports Equipment, LGR, Bench at Healthway Me­dical.

Pinangunahan ng Lady Troopers at Raiders ang eli­mination round kaya’t dumiretso na sa Final Four.

Sa kabilang banda, napalaban muna ang Power Attackers at Flying Spikers sa quarterfinals at tinalo ng una ang Petron Lady Blaze Spikers, 16-25, 25-21, 25-18, 25-22.

 Bumangon ang koponang pag-aari ni Dr. Mikee Romero mula sa pagkatalo sa naunang dalawang sets patungo sa 16-25, 16-25, 25-16, 25-17, 15-13, ta­gumpay laban sa Cagayan Valley Lady Rising Suns.

Parehong nanalo ang RC Cola-Air Force at Generika-Army sa makakatunggali sa elimination round pero hindi dapat sila magkumpiyansa matapos ang pa­nalong nakuha sa quarterfinals.

Ang championship ay gagawin sa Hulyo 26.

 

ALL-FILIPINO CONFERENCE

CAGAYAN VALLEY LADY RISING SUNS

COLA-AIR FORCE

COLA-AIR FORCE RAIDERS

CUNETA ASTRODOME

DR. MIKEE ROMERO

FLYING SPIKERS

POWER ATTACKERS

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with