Abueva nagbida sa 2014 FIBA 3x3

MANILA, Philippines - Tamang-tama ang pagdating ni Calvin Abueva para maikasa ng  Manila North ang 21-11 panalo kontra sa Xin­zhuang ng Chinese-Taipei at umabante sa quarterfinal round sa 2014 FIBA 3x3 World Tour Ma­nila Masters kahapon sa Mega Fashion Hall sa SM Me­gamall.

Nasa huling 4:31 minuto ang laro nang dumating si Abueva at agad na kinamada ang pitong sunod na puntos para kunin ang 17-11 kalamangan.

Hindi agad nakasama ng koponan ang Alaska for­ward dahil sinamahan muna ang asawa na nakatakdang manganak ng kanilang ikaapat na supling kaha­pon.

Naunang nalagay sa peligro ang asam na panalo sa Pool C dahil napilayan si Ian Sangalang, habang si Vic Manuel ay tinamaan ng siko sa ulo.

Nauna nang natalo ang Manila North sa Auckland, New Zealand, 11-16.

Umusad din sa quarterfinals na lalaruin ngayong hapon ang Manila South at Manila West.

 

Show comments