Kid Molave tangka ang ikatlong titulo Third leg ng Triple Crown ilalarga sa Hulyo 27
MANILA, Philippines - Magkakasukatan sa huling pagkakataon ang tatlong kabayo na pumuwesto sa naunang dalawang yugto sa 2014 Philracom Triple Crown Championship. Ang ikatlong yugto ay ilalarga sa Hulyo 27 sa San Lazaro Leisure Parksa Carmona, Cavite sa 2,000-metro distansya at mangunguna sa mga tatakbo ay ang Kid Molave na nangangailangan lamang na manalo pa upang mailista sa talaan ng mga Triple Crown champions. Magbabalik din para pigilan ang tangkang makasaysayang kampanya ng Kid Molave ay ang Kanlaon at Kaiserslautern.
Ang Kanlaon, na lahok ni Mandaluyong City Mayor Benhur Abalos, ay tumapos sa ikatlo at ikaapat na puwesto sa naunang dalawang yugto naginawa sa 1,600-metro at 1,800-metro distansya sa bakuran ng Metro Turf sa Malvar, Batangas at Santa Ana Park sa Naic, Cavite.
Sa kabilang banda, ang Kaiserslautern ang pumangalawa sa second leg at ang magandang ipinakita sa mahabang distansyang karera ang nagbibigay-tibay na handa uli itong sabayan ang takbo ng napapaborang Kid Molave.
Ang Low Profile na beterano ng naunang dalawang yugto at tumapos sa ikatlong puwesto sa second leg ay kasali rin habang ang Matang Tubig, coupled entries Macho Machine at Mr. Bond at King Bull ang kukumpleto sa maglalaban sa prestihiyosong karera para sa mga edad tatlong taon gulang na kabayo.
Kalahok din ang nanalo sa 2nd leg Hopeful Stakes race na King Bull
para makasama ng Kanlaon sa karera.
Mauunang itakbo ang 3rd leg ng Hopeful Stakes sa Hulyo 26 at walong kabayo ang magtatagisan sa karerang gagawin din sa 2,000-metro distansya.
Ang mga maglalaban-laban dito ay ang Love Na Love, Great Care, Britanica, Good Connection, That Is Mine, Real Lady, Misty Blue at Marinx.
May P1.8 milyon ang matatanggap ng mananalo sa Triple Crown habang P600,000.00 ang pabuya ng hari sa Hopeful.
Ang final declaration ay itinakda sa Hulyo 21 habang ang drawing of
lots ay mangyayari sa Hulyo 25. (AT)
- Latest