James hinihikayat si Love sa Cavs

MANILA, Philippines - Ipinaalam ni LeBron James kay Minnesota Timberwolves All-Star forward Kevin Love na nais niyang magkasama silang maglalaro sa Cleveland, ayon sa sour-ces ng Yahoo Sports.

Gusto ni Love ang idea na makasama si James sa Cleveland Cavaliers, ayon sa sources.  Hindi rin problema kay Love ang pagpirma ni James ng two-year contract lamang na nangangahulugang puwede uli siyang maging free agent pagkatapos ng susunod na season.

Nag-uusap ang Cavs at Timberwolves ng trade para kay Love, ngunit walang napapagkasunduan, ayon sa isang source na may alam tungkol sa usapan.

Nagpakita ng interes ang Cavs na isama si No. 1 pick Andrew Wiggins sa package para kay Love, ngunit posibleng kailangang may pumasok pang ibang team para Magkaayos sa negosasyon, ayon sa source.

Kinausap na rin ng Timberwolves ang Golden State Warriors tungkol kay Love ngunit nag-aalangan ang Warriors na isama si guard Klay Thompson sa trade.

Iniwan ni James noong nagdaang linggo ang Miami Heat matapos ang apat na sunod na biyahe sa  NBA Finals para bumalik sa Cavaliers.

Pinapirma rin ng Cleveland si All-Star point guard Kyrie Irving ng five-year, $90 million contract extension.

Show comments