CHARLOTTE, N.C. -- Dadalhin ni Lance Stephenson ang kanyang laro sa Charlotte.
Pumayag ang kontrobersyal na shooting guard sa $27 million, three-year deal sa Hornets kasama ang isang team option sa pangatlong season.
Inaasahang ipapakilala si Stephenson sa isang press conference sa Biyernes.
Sinulat ni Stephenson sa Twitter: ‘“Indy, I had a great 4 years. Thank you Larry Bird, the fans, my coaches and teammates for the incredible experience. I will never forget any of you! I now have to look to the next phase of my career and the wonderful opportunity to continue to grow as a player and as a person in Charlotte! I’m excited to play for this franchise and the fans!! (hash)buzzcity.’’
Nakipagkita si Stephenson kay Hornets owner Michael Jordan at sa iba pang miyembro ng orga-nisasyon noong Martes sa Las Vegas para ipakita na nasa kondisyon siya bago pumirma ng kontrata.
Inalok ng Pacers si Stephenson ng five-year, $44 million contract ngunit mas pinili niya ang mas maik-ling kontrata.