^

PM Sports

Riley determinadong palakasin ang Miami

Pang-masa

MANILA, Philippines - Ang pagkawala ni LeBron James ang nagpursige kay Miami president Pat Riley na palakasin ang koponan kaya kahapon ay inihayag ng Heat ang muling pagpapapirma kay guard Mario Chalmers at paghugot kina free agent forwards Josh McRoberts at Danny Granger.

Kamakalawa ay lumagda si forward Luol Deng ng isang two-year deal sa Heat na nagkakahalaga ng $10 million per season.

Balak ng Heat na ipares si Deng sa nagbabalik na si Chris Bosh at umaasang mapapapirma si free agent Dwyane Wade matapos lumipat si James sa Cleveland Cavaliers.

Kinuha naman ng Dallas Mavericks si forward Greg Smith mula sa Chicago Bulls bilang kapalit ng karapatan kay Tadija Dragicevic.

Hinugot ng Orlando Magic si free agent forward Channing Frye para sa isang four-year, $32 million contract.

Nakuha din ng Ma-gic ang dalawang future second-round draft picks (2015, 2016), cash consi-derations at kontrata ni forward Anthony Randolph buhat sa Chicago Bulls bilang kapalit ng draft rights kay forward Milovan Rakovic. Balak ng Orlando na pakawalan si Randolph.

Pinalagda ng Detroit Pistons si free agent guard Jodie Meeks sa isang multi-year contract na nagkakahalaga ng $19.5 milyon sa loob ng tatlong taon.

Pumirma si San Antonio Spurs forward Matt Bonner sa isang one-year, $1.448 million, ang minimum deal para sa mga veteran players.

Inaasahang ibabalik ng defending champions ang lahat ng kanilang 14 players sa NBA Finals roster nila.

Tanging si restricted free agent Aron Bynes ang hindi pa pumipirma. Lumagda si Chandler Parsons sa isang three-year, $46 million offer sheet sa Dallas.

vuukle comment

ANTHONY RANDOLPH

ARON BYNES

BALAK

CHANDLER PARSONS

CHANNING FRYE

CHICAGO BULLS

CHRIS BOSH

CLEVELAND CAVALIERS

DALLAS MAVERICKS

DANNY GRANGER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with