CLEVELAND -- Una ay nakuha ng Cavaliers ang salita ni LeBron James.
Ngayon ay ang kanyang lagda.
Pumirma si James ng isang two-year, $42.1 million contract sa Cavs isang araw matapos ang kanyang pahayag na babalik siya sa Cleveland para wakasan ang 50-year championship drought ng koponan.
Kasama sa kontrata ng four-time league MVP ay ang opsyon para maging free agent sa susunod na season.
Sa paglagda ng dalawang taon, maaaring makakuha si James ng panibagong kontrata sa Cavs bago ang 2016-17 season kung saan ang bagong television deal ang magpapataas sa maximum salary.