^

PM Sports

Carmelo mananatili sa New York Knicks

Pang-masa

NEW YORK -- Mananatili si Carmelo Anthony sa New York Knicks.

Nagdesisyon si Anthony na patuloy na maglaro pa­ra sa New York matapos mapag-aralan ang mga alok ng ilang NBA teams para sa pinapangarap niyang ko­ro­na.

Nakausap na ng All-Star forward ang mga kinata­wan ng Chicago, Houston, Dallas at Los Angeles La­kers.

Ngunit ipinabatid ni Anthony sa Knicks na magbabalik siya sa New York.

Inalok ng Knicks si Anthony ng maximum contract na nagkakahalaga ng halos $130 milyon sa loob ng limang taon.

Ito ay mas malaki ng $35 milyon kumpara sa mga nag-alok sa kanya sa ilalim ng NBA rules.

Lumipat si Anthony sa Knicks noong Pebrero ng 2011 matapos ang trade sa Denver Nuggets.

Pinamunuan niya ang NBA sa scoring noong 2012-13 at pumangalawa kay Kevin Durant ng Oklaho­ma City Thunder noong nakaraang season.

Makakasama ni Anthony sa Knicks sina team pre­sident Phil Jackson at coach Derek Fisher, pipiliting palakasin ang koponan matapos magtala ng 37-45 record noong nakaraang season.

 

CARMELO ANTHONY

CITY THUNDER

DENVER NUGGETS

DEREK FISHER

KEVIN DURANT

LOS ANGELES LA

NEW YORK

NEW YORK KNICKS

PHIL JACKSON

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with