Brazil, Netherlands asam ang third place trophy

BRASILIA - Determinado ang host Brazil na ta­­pusin ang World Cup sa pamamagitan ng panalo sa kanilang pagsagupa sa Netherlands sa third place playoff.

Pipilitin din ng Brazil na makabangon mula sa na­kakahiyang 1-7 pagka­talo sa Germany sa Last Four.

Muling aasahan ni head coach Luiz Felipe Sco­lari si team skipper Thiago Silva sa pagharap ng Brazilians sa Dutch, na­­talo sa Argentina sa pe­­nalty shootout sa semifinals.

“We already know that we can’t reach our main goal anymore,’’ wika ni Sco­lari. “But we still have the third-place game and we want to win so we can give at least some hap­pi­ness to the Brazilian people.’’

Ito ang huling pagla­laro ng koponan sa World Cup sa kanilang bansa.

Nauna nang sinabi ni Netherlands coach Louis Van Gaal na ang third-place match ay isa lamang pag­sasayang ng panahon.

Ngunit ngayon ay tar­get ni Van Gaal ang pa­nalo para tiyakin na ang Dutch ang unang kopo­nang naglaro sa World Cup na hindi natalo sa re­gulation time.

“We are realizing that there is something else we need to defend and we have to go for it,’’ sabi ni Van Gaal sa pamamagitan ng translator. “Never a Dutch team returned home unbeaten, and that has to be the next target.’’

Nakatakdang pag-aga­wan ng Germany at ng Ar­gentina ang korona ng World Cup sa Linggo.

 

Show comments