Cavs gumawa ng espasyo para kay James
CLEVELAND — Nilinis ng Cavaliers ang daan para sa pagbabalik ni LeBron James sa Cleveland.
Ginawa nila ang dapat gawin at hinihintay nila ang aksyon ni James.
Gumawa ang Cavs ng sapat na salary-cap space para alukin ang superstar free agent ng isang maximum contract matapos pumayag na i-trade sina guard Jarrett Jack, swingman Sergey Karasev at center Tyler Zeller sa isang three-team deal sa Brooklyn at Boston.
Ang aksyon ng Cleveland ay para makagawa sila ng espasyo sa ha-ngaring mapapirma ang Akron-born na si James, ang four-time league Most Valuable Player at pinakaaasam na player sa free agent market.
Bago makipag-trade sa Celtics at Nets ay nagkaroon na ng pakikipag-usap ang Cavs sa Minnesota Timberwolves para sa isang posibleng trade kay three-time All-Star Kevin Love kung babalik si James sa Cleveland.
Target ng Timberwolves si No. 1 overall draft pick Andrew Wiggins na maging bahagi ng anumang potential pac-kage mula sa Cleveland bago ikunsidera ang pagpapakawala kay Love.
Samantala, nakipagpulong na si James kay Miami president Pat Riley sa Las Vegas.
Dumalo sa pulong si James, ang kanyang agent na si Rich Paul, si Riley at si Heat executive Andy Elisburg.
- Latest