^

PM Sports

Ano ang ipapakita ng Perpetual Altas?

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Matapos ang dala-wang impresibong panalo, nag-aalala si Perpetual Help Altas coach Aric del Rosario sa kalidad na ipakikita ng kanyang bataan sa pagharap sa Emilio Aguinaldo College sa pagpapatuloy ngayon ng 90th NCAA men’s basketball sa The Arena sa San Juan City.

Pinataob ng Altas ang Mapua Cardinals (91-57) at San Sebastian Stags (82-79) para maging isa sa tatlong koponan lamang na hindi pa natatalo sa 10-koponang liga.

Ngunit hindi natuwa si Del Rosario sa ipinakitang laro ng kanyang bataan laban sa Stags dahil nilayuan na nila ito ng 23 puntos pero kinaila-ngan pang magpakatatag sa huling minuto para makuha ang panalo.

“May tendency na mag-relax. Hindi puwede ito at dapat hindi nawawala ang intensity mula simula hanggang sa matapos ang laro,” pahayag ni Del Rosario na balak samahan uli sa No. 1 spot ang four-time defending champion San Beda Red Lions (3-0).

Ang laro ay itinakda dakong alas-4 ng hapon matapos ang pagtutuos ng Stags at St. Benilde Blazers sa ganap na ika-2 ng hapon.

Aasa si Baste coach Topex Robinson na maisasantabi agad ng kanyang mga alipores ang paglasap ng unang pagkatalo dahil palaban ang Blazers na hangad na wakasan ang dalawang magkasunod na pagkatalo.

Hanap ni Del Rosario ang mas produktibong output sa bench dahil si Gerald Dizon ang sumunod na top scorer.

 

vuukle comment

DEL ROSARIO

EMILIO AGUINALDO COLLEGE

GERALD DIZON

MAPUA CARDINALS

PERPETUAL HELP ALTAS

SAN BEDA RED LIONS

SAN JUAN CITY

SAN SEBASTIAN STAGS

ST. BENILDE BLAZERS

TOPEX ROBINSON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with