Pacquiao vs Algieri?

MANILA, Philippines - Malaki ang posibilidad na maplantsa ang banggaan nina world welterweight champion Manny Pacquiao at ng bagong world light welterweight champion na si Chris Al-gieri sa Nobyembre 22.

Kapwa inihayag ng promoters nina Pacquiao (56-5-2, 38 KOs) at Algieri (20-0-0, 8 KOs) na may nangyayaring pag-uusap para maitakda ang naturang laban.

“We’re talking se-rious now with the idea of making the fight. Now, whether it gets made or not, I don’t know,” sabi ni Bob Arum ng Top Rank Promotions sa panayam ng BoxingScene.com.

Inaasahan naman ng promoter ni Algieri na si Joe DeGuardia na pormal na maihahayag ang Pacquiao-Algieri fight sa susunod na linggo.

“We are negotiating that, actually, as we speak. And I expect that we’re going to have a resolution within the next day or two,” wika ni DeGuardia.

Matatandaang tinanggihan ng kampo ni Juan Manuel Marquez na maitakda ang pang-limang laban ng Mexican fighter kay Pacquiao, nanggaling sa pagbawi ng kanyang World Boxing Organization (WBO) welterweight crown kay Timothy Bradley. Jr. sa kanilang rematch noong Abril. (RC)

Show comments