Juico papalitan si GTK

MANILA, Philippines - Matapos ang 24-taong panunungkulan ay bababa na bilang pangulo ng Philippine Amateur Track and Field Association (PATAFA) si Go Teng Kok.

Pormal na inanunsyo ni Go si dating PSC chairman at PATAFA chairman Philip Ella Juico para ma-ging kanyang kapalit sa pagpupulong ng mga athle-tics stakeholders kahapon.

“Ilang taon ko na  ring kaaway ang Philippine Olympic Committee (POC) at ang Philippine Sports Commission (PSC) at ito ay nagresulta para walang makuhang suporta ang PATAFA sa kanila at naaapektuhan ang mga atleta. Kaya nagdesisyon na ako na talagang bumaba na sa puwesto,” wika ni Go sa isang panayam.

Noon pa inihayag ni Go si Juico na kanyang magi-ging kapalit pero ito ang unang pagkakataon na ginawa niya ito sa mga taong tumutulong sa athletics sa bansa.

Kasama sa mga duma-lo ay si James Lafferty na siyang gumagastos at nagsasanay sa nagbabalik na si Marestella Torres bukod pa sa mga coaches ng collegiate leagues na UAAP at NCAA.

Dapat ay magkakaroon ng eleksyon ang PATAFA sa Hulyo 15 pero inurong ito sa Hulyo 25 para makadalo ang kinatawan ng international bodies na International Association of Athletics Federation (IAAF). (AT)

Show comments