MANILA, Philippines - Nakipagkasundo na ang Los Angeles Clippers kay free-agent point guard Jordan Farmar sa two-year, $4.2 million contract, ayon sa source ng Yahoo Sports.
Kinuha ng Clippers si Farmar para pumalit na back-up point guard ni Chris Paul matapos pumayag si Darren Collison na pumirma ng kontrata sa Sacramento Kings.
Ang Los Angeles native na si Farmar, nag-ave-rage ng 10.1 points at 4.9 assists na may 43.8 percent shooting sa triple area para sa LA Lakers, ay may player option sa ikalawang taon ng bago niyang deal.