MANILA, Philippines - Ilalahad ng NLEX ang kanilang paghahanda para sa darating na season ng Philippine Basketball Association (PBA) sa pagbisita sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum ngayon sa Shakey’s Malate.
Dadalo rin sa sesyon ang dalawang Philippine youth teams na lalahok sa dalawang malalaking international tournaments.
Pangungunahan nina NLEX team officials Roland Dulatre at Allan Gregorio ang bagong PBA team sa public sports program na isinasaere sa DZSR Sports Radio 918 at inihahandog ng Shakey’s, Accel at ng Philippine Amusement and Gaming Corporation.
Tatalakayin nina Dulatre at Gregorio ang pagsabak ng NLEX sa 40th season ng PBA.
Si national coach Jamike Jarin ang magbibigay ng pinakamainit na balita sa paghahanda ng PH U-18 at PH U-17 squads na lalahok sa FIBA-Asia U-18 Championship sa Doha, Qatar at sa FIBA-World U-17 Championship sa Dubai, ayon sa pagkakasunod.
Ang dalawang event ay nakatakda sa Agosto.
Ang kukumpleto sa guests list ay sina Pacific Xtreme Combat (PXC) CEO EJ Calvo at matchmaker Robert San Diego para sa PXC Laban MMA at si First Asia Institute of Technology and Humanities athletic director Lito Arim ukol sa 8th season ng United Calabarzon Collegiate League.