2-year residency ipaiiral pa rin ng UAAP

MANILA, Philippines - Patuloy na ipaiiral ng UAAP ang kontrobersyal na ‘two-year’ residency rule dahil hindi pa naisasabatas ang itinutulak na Magna Carta for Student Athletes ni Senadora Pia Cayetano.

Ayon  kay league legal counsel Rene Villa, tanging sa Senado lamang pumasa ang batas na itinutulak ni Ca-yetano pero hindi pa ito natatalakay sa Kongreso.

“Our understanding is that a bill in the Senate has to have a counterpart bill in the Lower  House. We understand that the good Senator Cayetano was able to have her version of the bill in the Senate passed. However, there is still a pending bill in the Lower House,” wika ni Villa.

Dahil bakasyon ang magkabilang Chamber, kaya babalik sa simula ang hakbang na tatahakin ng counterpart bill sa Kongreso na itinutulak ni Congressman Robbie Puno.

Binanggit pa ni Villa na masusi ring pinag-aralan uli ng pamunuan ng liga ang lahat ng alituntunin lalo na sa residency ng manlalaro at nakiisa sila sa binuong technical working group ni Cayetano para  makita ang problema rito.

“The board has already gone through this rule by rule and the board  has decided to retain the two-year residency requirement for this year. But the board is moving for some revisions in the future,” paliwanag pa ni Villa.

Noong nakaraang taon sinimulang ipairal ang   two-year residency rule nang lumipat ang FEU junior player na si Jerie Pinggoy sa Ateneo.

Bukod kay Pinggoy ay nasama rin sa hindi naka-laro ang dating swimmer ng UST na lumipat sa UP na si Mikee Bartolome na nag-sit out na ng isang taon pero pinagbawalan uli na maglaro noong nakaraang taon dahil sa pinalawig na residency rule. 

 

Show comments