Lebron makikipagkita na sa Heat

MANILA, Philippines - Sinabi ng dalawang tao na pamilyar sa sitwasyon sa The Associated Press nitong Linggo na makikipagkita si Le-Bron James kay Miami Heat president Pat Riley ngayong linggo bago magdesisyon kung saang koponan maglalaro para sa darating na season.

Hindi sinabi kung kailan at saan mangyayari ang pag-uusap nina James at Riley.

“In the next two or three days,’’ sabi ng isa sa dalawang source.

Hindi ito mangyayari sa Lunes dahil may pupuntahang commercial shoot si James at inaasa-hang bibiyahe sa Las Vegas para sa kanyang annual camp kasama ang ilan sa mga pinakamahuhusay na basketball players.

Plano rin ni James na magtungo sa Brazil para sa World Cup finals sa Hulyo 13.

Hindi na mapakali ang Heat dahil maaari nang magsimula sa Huwebes ang pagpapapirma ng mga NBA teams sa napupusuan nilang players.

Dahil marami nang nagkaayos na team at players, gusto nang makausap agad ng Miami si LeBron.

Nauna nang naibun-yag na magtutungo si Cleveland Cavaliers owner Dan Gilbert sa South Florida sakay ng kanyang private plane.

Dumating ang eroplano sa airport sa Fort Lauderdale ng alas-6:40 ng gabi ngunit sa ibang pasilidad.

Nanatili ang eroplano ng halos 3 1/2 oras at walang nakapagsabi kung sino ang nasa loob nito.

Gusto ng Cavaliers na muling makuha si James na naglaro sa kanila sa unang pitong seasons bago lumipat sa Miami.

Iniwanan ni James ang kanyang dalawang taong kontrata sa Heat kasunod sina Miami stars Dwyane Wade at Chris Bosh.

Kung mananatili si James sa Miami ay inaasahang makukumbinsi sina Wade at Bosh na muling maglaro sa Heat.

 

Show comments