MANILA, Philippines - Sa pakikipag-usap sa tatlong NBA teams na interesadong makuha si free-agent star LeBron James, nagpasaring ang kanyang agent sa mga owners at executives na kung hindi kikilos agad si Miami president Pat Riley sa pagkuha ng malakas na supporting cast ng Heat, sisimulan nang makipag-usap ni James sa mga napupusuang team sa susunod na linggo, ayon sa sources ng Yahoo Sports.
Inimbitahan ni Rich Paul, agent ni James, ang tatlong teams – Cleveland, Dallas at Phoenix – sa opisina ng kanyang Klutch Sports headquarters para pakinggan ang kanilang mga offer.
Ayon sa mga source, nakipagkita kay Paul ang Phoenix noong Miyerkules at ang Cavaliers officials ay nitong Huwebes. Ang taga-Houston Rockets ay tumawag kay Paul ngunit hindi naki-pag-meeting dahil pinagtuunan nila ang paghahabol kay Carmelo Anthony, ayon pa sa ibang source ng Yahoo Sports.
Matapos ang masalimuot na hiwalayan ng Cavaliers at ni James noong 2010 ay may pag-asang magkaroon ng reunion ngayon.
Naniniwala ang ibang executives na may oportunidad na makuha si James dahil naghiwa-hiwalay na sila ng kanyang mga teammates na sina Dwyane Wade at Chris Bosh.
Nakipag-usap na sina Riley at coach Erik Spoelstra kay Los Angeles La-kers free-agent forward Pau Gasol ngunit hindi pa alam ng Heat kung magkano ang kanilang puwedeng ialok sa mga free agents dahil wala pa silang naaayos na deal para kina Bosh at Wade na nagdesisyong kumalas sa kanilang kontrata.
Hindi natitinag si James sa kanyang ha-ngaring makakuha ng full max contract na may starting salary na $20.7 million, ayon sa mga sources habang nag-iisip pa sina Wade at Bosh kung tatanggap sila ng mababang suweldo, sabi pa ng mga source kaya medyo nagkasiraan ang tatlo.