^

PM Sports

Siguradong may iiyak sa Last 8 ng World Cup

Pang-masa

RIO DE JANEIRO -- Lalabanan ng France ang Germany sa isang klasikong World Cup match, habang hangad ni Colombia hotshot James Rodriguez na paiyakin ang Brazil sa Last Eight.

Haharapin ng France ni Didier Deschamps ang Germany ni Joachim Loew sa makasaysayang Maracana Stadium na muling bubuhay sa kanilang labanan sa World Cup.

Makakatapat naman ng Brazil, dalawang beses lamang natalo sa kanilang 25 asignatura, ang Colombia sa Fortaleza.

  Ang pitong players ng Germany ay nagkaroon ng influenza symptoms bago harapin ang France.

Paboritong manalo ang Germany, ngunit matapos gibain ang Portugal, 4-0, tampok ang hat-trick ni Thomas Mueller, ay sinasabing humina na ang German.

Ang extra-time win sa Algeria ang nag-akay sa Germany sa Last Eight.

“We have not yet delivered our best possible performances, that is to come still,” sabi ni Loew.

Ang France ang isa sa mga naging pinakama-lakas na qualifiers matapos umiskor ng 10 goals sa apat na laro.

Ang kanilang huling tatlong laban sa World Cup ay nagtampok sa kanilang 17 goals.

Ang kanilang banggaan sa semifinals noong 1982 ang naging isa sa pinakakontrobersyal na laro sa World Cup.

Ito ay matapos ma-kipagsuntukan si German goalkeeper Harald Schumacher kay Patrick Battiston.

Sinabi ni Battiston na hindi niya maaaring ma-ging kaibigan si Schumacher.

Kumpiyansa naman ang Brazil na tatalunin nila ang Colombia patu-ngo sa pag-angkin sa World Cup sa pangunguna ni star striker Neymar.

vuukle comment

ANG FRANCE

DIDIER DESCHAMPS

HARALD SCHUMACHER

JAMES RODRIGUEZ

JOACHIM LOEW

LAST EIGHT

MARACANA STADIUM

PATRICK BATTISTON

THOMAS MUELLER

WORLD CUP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with