Gortat nakakuha ng 5-yrs. $60M deal sa wizards

WASHINGTON – Nakipagkasundo si center Marcin Gortat sa $60 million, five-year contract nitong Martes upang manatili sa Washington Wizards, ayon sa taong may alam sa kasunduan na isang ma-laking hakbang sa layunin ng koponan na manatiling intact ang roster sa abot ng kanilang makakaya matapos wakasan ang kanilang pagkauhaw sa playoff.

Sumunod si Gortat kay coach Randy Wittman, na nabigyan ng contract extension noong nakaraang buwan at backup point guard Andre Miller na nabigyan ng guarantee para sa isa pang season nitong Sabado bilang ikatlong piyesa sa plano ni team president Ernie Grunfeld na i-retain ang mga key players na nagdala sa Washington sa postseason sa unang pagkakataon sapul noong 2008.

Show comments