MANILA, Philippines - Sa kabiguan na namang maitakda ang kanilang mega fight ni Manny Pacquiao, iniha-yag kahapon ni pound-for-pound king Floyd Mayweather Jr. na muli niyang lalabanan si Marcos Maidana sa isang rematch sa Setyembre13.
Ito mismo ang kinumpirma ni Mayweather.
“Sept. 13, back to business, Marcos Maidana-Floyd Mayweather, part II. And then in May, I’m fighting in May and I’ll have a big surprise for y’all,” wika ng undefeated boxer.
May mga nagsasabing ang pagpayag ni Mayweather na labanan si Pacquiao ang sinasabi nitong sorpresa sa mga boxing fans sa Mayo ng 2015.
Nauna nang tumanggi si Mayweather sa isang Olympic-style drug testing at hatian sa premyo para sa kanilang laban ni Pacquiao.
Tinalo naman ni Mayweather si Maidana para sa bakanteng WBC at WBA welterweight titles noong Mayo 3.
Ngunit sinabi ng ma-nager ni Maidana na si Sebastian Contursi na walang pinal na napagkakasunduan kaugnay sa Mayweather-Maidana rematch.
“Still in the talks. Nothing confirmed on our side. Hopefully, we’ll have a decision made in the next 4-5 days,” wika ni Contursi.
Ayon kay Maidana, pinangatawanan lamang ni Mayweather ang nauna nilang napag-usapan na magkakaroon sila ng rematch anuman ang ma-ging resulta ng kanilang unang laban.
“REMATCH in the talks. Respect for @Floyd-Mayweather man of his word, yet only fist talk in the ring. #LATINPOWER,” sabi ni Maidana sa kanyang Twitter account.