Tempra Run Against Dengue sa Hulyo 20 sa CCP grounds

MANILA, Philippines - Itinakda ng Tempra, sa pakikipagtulungan ng Subterranean Ideas at ng Pasay City, ang ikatlong Tempra Run Against Dengue sa Hulyo 20 (Linggo), alas-4:00 ng umaga sa Cultural Center of the Philippines grounds.

Parte ng kikitain sa advocacy run na ito na suportado ng Pasay City, Philippine Charity Sweepstakes Office, Medicard, Business Mirror, Health and Fitness Magazine, Toby’s at Guard Insect Repellent, ay ipambibili ng iba’t ibang anti-dengue modalities na ipamamahagi sa mga day-care centers at barangay sa siyudad.

Apat na kategorya ang bumubuo sa fun run--10k, 4k, 2k at Family Run, kung saan ang magulang ay tatakbo ng isang kilometro kasama ang kanyang anak or kanilang mga anak.

Maaari lamang magpalista sa Toby’s Arena sa Glorietta 2, sa Toby’s-SM Manila kung saan sisimulan ang karera, isang oras bago ang 10k run sa araw ng Dengue Run. Maaari ring tawagan ang mga sumusunod para sa karagdagang detalye-- (landline) 504-5990, (Sun) 0923-3323737, (Globe) 0916-2246221 at Smart (0928-2618028).

Kailangang magdala ng kahong walang laman ng Tempra syrup o drops o 10 empty blister packs ng Tempra tablets para makakuha ng P50 discount at makasali sa raffle, kung saan ang mga premyo ay LED TV, mountain bike, tablet, android cellphone, hotel accommodations, Star City GCs, Food GCs at movie passes.

 

Show comments