Wade, Bosh, Haslem nagpaalam sa Miami
MANILA, Philippines - Para makadiskarte ang Miami na mapanatili si Le-Bron James sa team, piniling kumalas nina Dwyane Wade, Chris Bosh at Udonis Haslem sa kanilang kontrata para maging free agents, ayon sa source ng Yahoo Sports.
Bagama’t puwedeng tumanggap na lamang ng maliit na suweldo sina Bosh, Wade at Haslem, ang kanilang pakikipagkalas sa Miami, makakahingi si James, ang four-time MVP ng NBA, ng full maximum contract extension o kung hindi man ay hindi na malayo rito, para manatili sa Miami, sabi ng source sa Yahoo Sports.
Eligible si James na pumirma ng five-year, $130 million extension sa Heat.
Prayoridad ni James ang makahanap ng paraan na magkaroon ng magandang future sa Miami, ngunit kung hindi mapapalakas ng Heat ang team na tulad ng inaasahan niya, ‘di malayong maging agresibo siya sa free agency, sabi pa ng sources.
Nais ng mga kakampi ni James na makipag-usap kay Miami president Pat Riley para pumirma uli sa team sa mababang suweldo para magkaroon ang management ng espasyo na mapalakas ang team.
Dahil sa presyo ni James bilang best player sa NBA, naiintindihan ng Heat players ang kagustuhan ni James na makakuha ng maximum contract, sabi pa ng sources.
Si Bosh ay may two years at $43 million na natitira sa kanyang kontrata sa Heat. Si Wade ay may two years, $42.5 million, si Haslem ay may $4.6 million player option para sa 2014-15 season.
Hindi na lalaruin ni James ang huling dalawang taon na $42.7 million sa kanyang contract.
- Latest