MANILA, Philippines - Binalikat ni Jaja Santia-go ang opensa ng National University para makaba-ngon mula sa pagkatalo sa first set tungo sa 18-25, 25-19, 25-22, 25-23 panalo sa UP sa pagbubukas ng Shakey’s V-League Season 11 Open Conference kahapon sa The Arena sa San Juan City.
Hindi na nakasama ng Lady Bulldogs ang mahusay at nakatatandang kapatid ni Jaja na si Dindin Santiago na nabigyan ang NU ng isang titulo at isang runner-up na magtatapos sa 2013 at 2014 First Conference.
Pero hindi naramdaman ang pagkawala ng 6’2” spiker dahil sa magandang laro ng 6’4” na si Jaja matapos paka-walan ang 21 puntos, kasama ang 18 kills.
Hindi solong nagtrabaho si Santiago dahil tatlong kasamahan ang naghatid ng double-digits habang ang setter na si Ivy Perez ay hindi lamang sinandalan sa pagse-set ng plays kungdi pati sa depensa para sa 1-0 karta sa ligang inorganisa ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s.
Wala namang naging problema ang Ateneo Lady Eagles sa pagdispatsa sa PNP Lady Responders sa pamamagitan ng 25-15, 25-12, 25-21, straight sets panalo sa ikalawang laro.
Si Alyssa Valdez ay may 18 kills tungo sa 19 puntos, si Julia Morado ay mayroong 36 excellent sets at si Dennise Lazaro ay may pitong digs para pagningningin ang unang panalo ng koponan ni Thai coach Anusorn Bundit sa ligang may ayuda pa ng Accel at Mikasa.
Sina Myla Pablo, Siemens Desiree Dadang at Jorelle Singh ay tumapos ng 14, 10 at 10 puntos.