Draw uli kay GM So sa 8th rnd.

MANILA, Philippines - Muling nakipaghati sa puntos si Filipino Grand Master Wesley So sa ikalawang sunod na pagkakataon nang mauwi sa draw ang kanilang laro ni American GM Irina Krush sa 80 moves ng English Opening para isuko ang korona kay Ukrainian GM Vassily Ivanchuk sa penultimate round ng 9th Edmonton International sa Edmonton, Alberta, Canada.

Nauna nang nakipag-draw ang 20-anyos na si So kay Canadian FIDE Master Vladmir Pechenkin.

Sa kanyang pakikipaghati ng puntos kay Krush ay nanatiling may 6.5 points si So.

Ito ang nag-angat kay Ivanchuk para makalapit sa titulo matapos talunin si Canadian IM Richard Wang at iposte ang 7.5 points patungo sa final round ng nasabing nine-round tournament.

Kailangan ni So na talunin si Canadian FM Dan Hassael at umasang matatalo si Ivanchuk, isang dating World Challenger, kay American GM Samuel Shankland para makatabla sa unahan.

Ang magkasunod na draws ni So ang naglaglag sa kanya sa No. 15 sa live ratings.

 

Show comments