NU sasagupain ang UP sa pagbubukas ng V-League

LARO NGAYON

(The Arena, San Juan City)

2 p.m. – NU vs UP

4 p.m. – PNP vs Ateneo

 

MANILA, Philippines - Ipapakita ng National Uni­versity Lady Bulldogs ang bagong puwersa, habang magandang pani­mula ang nais ng UAAP champion na Ateneo La­dy Eagles sa pagsisimula ngayon  ng Shakey’s V-League Season 11 Open Conference sa The Arena sa San Juan City.

Katunggali ng Lady Bulldogs ang UP Lady Maroons sa unang laro sa alas-2 ng hapon, habang masusukat ang La­dy Eagles sa PNP Lady Troo­pers sa alas-4 ng hapon  sa liga na inorganisa ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s.

Wala na sa NU ang ma­husay na si 6-foot-2 Din­din Santiago pero so­li­do pa rin ang puwersa ng koponan dahil naririyan pa rin ang 6’4 na si Jaja Santiago bukod pa  sa mga matitikas na spikers na sina Carmina Aganon, Myla Pablo at Desiree Da­dang.

Pursigido ang Lady  Bull­dogs sa conference na ito para makabawi sa pagkahubad ng titulo sa First Conference nang ma­talo sa FEU Lady Ta­maraws.

Gagawin din ng Lady Maroons ang lahat ng ma­kakaya para makasilat at sina Alyssa Layug, Yen Ilustre, Angeli Araneta, Mo­nica Ortez at Arylle Mag­talas ang kanilang sa­sandalan.

Sina Alyssa Valdez, Amy Ahomiro, Michelle Mo­rente, Aerieal Patno­ngon at Ella de Jesus ang mga aasahan ng Lady Eagles para makaisa sa La­dy Patrollers na igigiya nina Ana Con­cepcion, Mi­chelle Da­tuin, Diane Ti­car at Cha­risse Perez.

Ang Cagayan Valley, winalis ang 16 laro pa­­tungo sa titulo noong na­karaang taon, Philippine Army, Philippine Air Force at PLDT Home Telpad ang kukumpleto sa walong koponan na mag­susukatan sa ligang may ayuda ng Accel at Mi­kasa.

 

Show comments