RIO DE JANEIRO -- Hahataw ang second round ng World Cup sa pagsagupa ng host nation Brazil sa Chile at pagharap ng Colombia sa Uruguay sa agawan sa quarterfinals berth.
Lalabanan ng Brazil ang Chile sa Belo Horizonte at magtatapat ang Colombia at Uruguay sa Maracana stadium.
Hindi pa natatalo ang Brazil sa Chile sa loob ng 14 taon.
Bukod dito, kasalukuyan nang kumakamada si forward Neymar para sa Brazil.
Umiskor siya ng dalawang goal sa 3-1 panalo ng Brazil kontra sa Croatia sa tournament opener at muling humataw ng dalawa sa 4-1 paggupo nila sa Cameroon.
Ngunit hindi nagkukumpiyansa ang Brazil sa Chile.
“It’s normal to feel uncomfortable and anxious ahead of this first elimination game,’’ sabi ni Luiz Felipe Scolari. “We are a bit more scared and nervous... not only because this one is in Brazil. We know we can’t make mistakes, we can’t lose.’’
Nakita ang bangis ng Chile nang umiskor ng 2-0 tagumpay laban sa 2010 World Cup champion Spain sa group stage, ngunit nakatikim ng 0-2 kabiguan sa Netherlands.
“We have a historic opportunity to eliminate the hosts,” sabi ni Chile goalkeeper Claudio Bravo. “It’s our longtime rival. It’s up to us to do it.”