Rain or Shine o Alaska? San Mig din pala sa bandang huli
MANILA, Philippines - Nakabawi ang Mixers mula sa dalawang sunod na kamalasan para ibulsa ang unang finals berth ng 2014 PBA Governors Cup at magkaroon ng pag-asa sa Grand Slam.
Dinaig ng nagtatanggol sa koronang San Mig Coffee ang Talk ‘N Text, 93-87, sa Game Five para tapusin ang kanilang best-of-five semifinal series sa 3-2 kagabi sa Smart Araneta Coliseum.
Ito ang ikaapat na sunod na finals appearance ng San Mig Coffee at pang-27 sa kabuuan at hangad ang Grand Slam matapos maghari sa Philippine Cup at Commissioner’s Cup.
Ang magwawagi sa semifinalsduel ng Rain or Shine at Alaska ang lalaba-nan ng San Mig Coffee sa best-of-five championship series.
Itinala ng Mixers ang isang 10-point lead, 60-50, sa huling tatlong minuto ng third period bago ito palakihin sa 81-66 buhat sa three-point shot ni James Yap sa 3:23 minuto ng fourth quarter.
Nakalapit ang Tropang Texters sa 87-91 agwat galing sa tree-point play ni import Paul Harris kay Marc Pingris sa huling 14.9 segundo.
Ganap na sinelyuhan ni Mark Barroca ang panalo ng San Mig Coffee matapos ang kanyang fastbreak basket mula sa agaw niya kay Ranidel De Ocampo sa huling 10.2 segundo.
Nauna nang kinuha ng Mixers ang 2-0 kalamangan sa serye matapos itakas ang Game 1 via overtime, 92-88 at ang Game 2, 93-85 bago nakabangon ang Tropang Texters sa pagsikwat sa 112-86 panalo sa Game 3 at 84-81 overtime win sa Game 4.
Samantala, nakatakda ang ‘sudden death’ match ng Alaska at Rain or Shine ngayong alas-5 ng hapon sa Smart Araneta Coliseum.
San Mig Coffee 93 -- Yap 25, Blakely 21, Barroca 17, Devance 11, Pingris 10, Simon 7, Sanggalang 2, Taha 0, Melton 0, Reavis 0, Hoilstein 0, Mallari 0, Gaco 0, Maliksi 0, Matias 0.
Talk N Text 87 -- Harris 40, De Ocampo 13, Castro 11, Seigle 8, Espiritu 7, Fonacier 4, Williams 2, Rob Reyes 2.
Quarters” 21-20; 37-38; 62-55; 93-87.
- Latest