MANILA, Philippines - Medyo gumulo ang paghahabol ng Cleveland kay Minnesota Timberwolves All-Star forward Kevin Love sa pamamagitan ng package na nakasentro sa No. 1 overall pick sa NBA draft nitong Huwebes dahil sa babala ni Love na hindi siya pipirma ng extension sa Cavaliers, ayon sa source ng Yahoo Sports.
Wala pang nabubuong trade ngunit ang Cavaliers ay determinadong makuha si Love sa pamamagitan ng trade pac-kage, ayon pa sa source.
Gustong mabuo ng Cleveland si Love at All-Star point guard Kyrie Irving para maakit si Le-Bron James na bumalik sa Cavaliers, sabi ng sources.
Sa pamamagitan ng agent ni Love na si Jeff Schwartz, inabisuhan ang Cleveland na kakalas si Love sa kanyang contract sa 2015 at hindi ikokonsidera ang offer ng Cavaliers na long-term maximum contract, sabi ng source sa Yahoo Sports.
Sa lahat ng teams na naghahabol kay Love, tila papunta siya sa Minnesota.