^

PM Sports

Tinapos ng King Ramfire Ang 3-buwang pananahimik

Pang-masa

MANILA, Philippines - Tinapos  ng King Ramfire ang tatlong buwan na hindi nananalo nang pangibabawan ang tinakbuhang  karera  noong Martes ng gabi sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite. Si Rodeo Fernandez pa rin ang hinete ng nasabing kabayo na tumakbo sa class division 5 sa 1,300-metro distansya at naipakita ng jockey na gamay niya ang kabayo matapos daigin ang napaborang Captain Ball.

Hawak ito ni Fernando Raquel Jr. at ang Captain Ball ay galing sa panalo sa  huling takbo noong Mayo 16 pero umakyat ito ng grupo.

Binigyan pa ang kaba­yong pag-aari ni Hermie Esguerra ng 56 kilos han­dicap weight at kinapos ito para pumangalawa sa datingan.

Huling nanalo ang King Ramfire noon pang Marso 26 sa Metro Turf Club sa Malvar, Batangas at ang di inaasahang panalo ay nagpasok ng P33.50 sa win habang ang forecast na 8-2 ay mayroong P88.50 na ipinamahagi.

Lumabas si Fernandez bilang pinakamainit na hinete ng gabi nang manalo  ng dalawa sa walong karerang pinaglabanan.

Ang Puuuma ang pa­ngalawang kabayo na kuminang sa pagdadala ng class A jockey nang dominahin ng tambalan ang 11-kabayong class division 2 race sa 1,500-metro distansya.

Hindi tumimbang ang kabayo sa mga nakaraang takbo kaya’t bumaba ng grupo at nakabuti ito dahil nakuha ng Puuuma ang mailap na panalo.

Ang Congregation na dala ni class C jockey JL Lazaro ang sunod na tumawid sa meta para makapaghatid ng P57.00 dibidendo sa forecast habang ang win ay may P11.50 dibidendo.

Lumabas ang Echomac bilang pinakadehadong kabayo na nanalo nang pangibabawan ang 14-kabayo sa race eight na isang class division 1B at inilagay sa 1,500-metro.

Napahinga ang nasabing kabayo ng dalawang buwan pero bago ito nagbakasyon ay ilang sunod na pumangalawa sa mga tinakbuhang karera.

Ang pahinga ay nakatulong para makondis­yon ang nasabing kabayo para mapasaya ang mga deha­dista na sumuporta sa unang gabi ng pista sa Manila Jockey Club, Inc. (MJCI).

Kumabig ang mga nanalig sa Echomac ng P90.50 habang ang forecast na
7-5 ay nagpamahagi ng P569.50. (AT)

ANG CONGREGATION

ANG PUUUMA

CAPTAIN BALL

ECHOMAC

FERNANDO RAQUEL JR.

HERMIE ESGUERRA

KABAYO

KING RAMFIRE

LUMABAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with