MIAMI — Magbabalik si LeBron James sa free agency.
Sinabi ni James sa Mia-mi Heat na hindi na niya ilalaro ang huli niyang dalawang taon sa kontrata, wika ng isang source sa The Associated Press.
Wala pang pormal na pahayag sina James at ang Heat tungkol dito.
Hindi pa nangangahulugan na iiwanan na ni James ang Heat, ngunit wala ring garantiya kung isusuot pa niya ang Mia-mi uniform sa susunod na season.
“There’s no other decision yet,†sabi ng source sa AP. Nagparamdam si James ng kagustuhang subukan ang free agency sa kanyang exit interview matapos matalo ang Heat sa San Antonio Spurs sa NBA Finals.
“Being able to have flexibility as a professional, anyone, that’s what we all would like,†wika ni James noong nakaraang linggo. “That’s in any sport, for a football player, a baseball player, a basketball player, to have flexibility and be able to control your future or your present. I have a position to be able to do that. There’s a lot of times that you’re not in control of your future as a professional.â€
Ang dalawa pang Mia-mi stars na may termination options — sina Dwyane Wade at Chris Bosh — ay hindi pa nagsasabi sa Heat kung sasamahan nila si James bilang free agents.
Sinabi na nina Bosh at James na magpupulong muna silang tatlo bago gumawa ng desisyon.
Ang tatlo ay pumir-ma ng six-year deals nang magsama sa Miami noong 2010.
“There’s a conversation that will be had between the three of us,†ani James. “It’s only right. We’ve earned that for each other, to have a conversation and see what could possibly happen.â€
Si James ay may natitira pang $42.7 mil-yon sa kanyang kontrata sa Heat.