MANILA, Philippines - Naging palaban ang Uruguay at sa katunayan ay may kagatan pang nangyari tungo sa kanilang 1-0 pa-nalo kontra sa Italy nitong Martes upang umusad sa susunod na round sa World Cup kasama ang Costa Rica na nagpauwi sa England matapos ang 0-0 draw.
Sa paghina ng mga European teams, lalong lumakas ang South America na kinatampukan ng pagtatala ng Colombia ng perfect record sa Group C sa pamamagitan ng 4-1 panalo kontra sa Japan.
May isang European team din na pumasok ang Greece na ginamit ang injury time penalty para sa 2-1 panalo kontra sa Ivory Coast na nasibak sa kontensiyon.
Ngunit nabahiran ng kontrobersiya ang gabi na tatatak kay Uruguay striker Luis Suarez.
May 80 minutes na ang nalalaro nang magkagirian sina Suarez at Giorgio Chiellini kung saan nakita sa replays na parang kinagat ni Suarez ang balikat ng Ita-lian defender.
Kung nangagat nga siya, ikatlong beses na niya itong ginawa sa loob ng apat na taon.
“It was absolutely clear. There’s even a mark,†sabi ni Chiellini.
Wala namang nakita ang mga referee ng pangangagat at walang foul na itinawag.
Sa resulta lang naman nakatingin ang Uruguay coach na si Oscar Tabarez.
Makalipas ang isang minuto, ang decisive goal ay naiskor ng malakas na tira gamit ang ulo at balikat ni captain Diego Godin na nagkaroon ng perfect direction.
Ang Italy ay may 10-tao lamang mula sa ika- 59th minute nang tumanggap si Claudio Marchisio ng red card na tinira si Egidio Arevalo sa tuhod.
Ang draw kontra sa England ay nagbigay sa Costa Rica, ang surprise team ng kompetisyon ng panguÂnguna sa Group D laban sa mga dating champions.