Arthur, Robinson ginamit ang option

DENVER – Ginamit nina Nuggets forward Darrell Arthur at point guard Nate Robinson ang kanilang contract options para sa darating na season, ayon sa pahayag ni Denver general manager Tim Connelly nitong Lunes.

Nag-average si Arthur ng halos 6-points a game para sa Denver noong nakaraang season at nagtala ng career-high na 24 3-pointers. Nakuha siya ng Nuggets sa gabi ng draft noong June.

Umiskor si Robinson ng 10.4 points at nagbigay ng 2.5 assists noong nakaraang taon para sa Nuggets bago ang injury sa tuhod noong Jan. 29 na tumapos ng kanyang season.

Sa kanyang career, ang mahusay na point guard ay lumaro para sa Chicago, Golden State, Oklahoma City, Boston at New York.

Show comments