MANILA, Philippines - Patuloy sa panonorpresa ang ‘di kilalang si Johann Chua sa 23rd WPA World 9-Ball Championship nang muling manalo ito upang pangunahan ang pitong Pinoy na pumasok sa Round-of-64 nitong Lunes sa Al Saad Sports Club sa Doha, Qatar.
Isang last-minute qualifier, sinundan ni Chua ang kanyang 9-2 panalo kay vete-ran American campaigner Corey Deuel ng 9-6 tagumpay kay Taiwanese Lo Li Wen sa Group 13 para makarating sa knockout stages sa kanyang unang sali sa torneo na kinatatampukan ng mga world caliber players.
Si Dennis Orcollo ay nanaig kay Ko Ping Chung ng Chinese Taipei, 9-6, sa Group 7; si Raymund Fa-raon ay nanalo kay Young Hwa Jeong ng Korea, 9-7, sa Group 9; si Carlo Biado ay sumargo ng panalo kay Tom Storm ng Sweden, 9-7, sa Group 8; namayani si Jeff De Luna sa kababayang si Israel Rota, 9-3, sa Group 14; si Elmer Haya ay nakalusot kay Artem Koshovyi ng Ukraine, 9-8, sa Group 16; at hindi pinaporma ni Antonio Gabica si Michel Bartol ng Croatia, 9-3, sa Group 4.
Nakasama naman ni Rota na bumaba sa loser’s side sina Warren Kiamco at Elvis Calasang.
Si Kiamco yumuko kay Niels Feijen ng Ne-therlands, 9-6, sa Group 6; habang si Calasang ay natalo kay Wu Jiaquing ng China, 9-7, sa Group 10.
Katapat ni Kiamco si Frailin Guanipa ng Vene-zuela; kalaban ni Calasang si Albin Ouschan ng Austria at makikipagsukatan si Rota ay kay Manuel Gama ng Portugal para malaman kung sino ang aabante mula sa loser’s side.
Ang iba pang Filipino na nasa loser’s side at must-win ay sina Efren ‘Bata’ Reyes, Ramil Gallego, Lee Van Corteza at Francisco Felicilda.