^

PM Sports

Draw sa US, Belgium umusad, Algeria nalo

Pang-masa

MANILA, Philippines - Maraming umiskor ng goal sa World Cup nitong Linggo ngunit hindi na nakapuntos  ang United States ng kinakailangang goal sa huling 30 segundo ng laro para matapos sa 2-2 ang kanilang laban ng Portugal.

Parehong palaban pa rin ang US at Portugal habang ang Belgium ay umusad at ang Algeria ay nakatikim ng panalo sa World Cup matapos ang 32-taon. Walang team na na-eliminate nitong Linggo ngunit nasa alanganin ang South Korea, Russia at Portugal.

Abot kamay na ng mga Amerikano ang pag-usad sa susunod na round ng ‘Group of Death’ nang ibigay ng World Player of the Year na si Ronaldo ang isang napakahirap na cross pass para sa driving header ni Silvestre Varela na nagpatabla ng score. Ang goal ni Varela ang pinakahuli sa 11 goals nitong Linggo.

Kalaban ng US ang Germany sa Huwebes at ang mananalo ang mangunguna sa grupo at kapag nagtapos sa draw ang kanilang laban, pareho silang uusad sa round-of-16. Kahit ang matatalo ay may tsansa pa depende sa resulta ng laro ng Ghana at Portugal.

Tinalo naman ng Algeria ang South Korea, 4-2 para makatikim ng unang panalo sa World Cup at ito ay ikatlong panalo pa lamang ng isang African team na umiskor ng 4-goals sa World Cup.

Ang Russia na umaasang makakapasok sa knockout stage ay lumasap ng 1-0 pagkatalo sa Belgium sa Rio de Janeiro.

Ang Belgium ang ikaanim na bansa na nag-qualify sa susunod na round para samahan ang Netherlands, Chile, Colombia. Costa Rica at Argentina.

 

vuukle comment

ANG BELGIUM

ANG RUSSIA

COSTA RICA

GROUP OF DEATH

LINGGO

SILVESTRE VARELA

SOUTH KOREA

UNITED STATES

WORLD CUP

WORLD PLAYER OF THE YEAR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with