^

PM Sports

Painters rumesbak ayaw nang patagalin ng San Mig

RC - Pang-masa

MANILA, Philippines - Naging bentahe ang kanilang physical game, niresbakan ng Rain or Shine ang Alaska, 99-87, sa Game Two para itabla ang kanilang semifinals series sa 2014 PBA Go-vernors’ Cup kagabi sa Smart Araneta Coliseum.

Kumamada si import Arizona Reid ng 27 points para ibangon ang Elasto Painters sa 93-97 kabiguan sa Game One at ipatas sa 1-1 ang kanilang best-of-five semifinals wars ng Aces.

“Everybody just stepped up for Gabe (Norwood). We’re buying some time to make him well,” sabi ni Rain or Shine coach Yeng Guiao kay Norwood na may sprained ankle injury. “We beat Alaska in his absence with everybody making contributions.”

Nagsindi ng isang 14-4 bomba ang Elasto Painters para palakihin sa sa 64-42 ang kanilang kalamangan sa Aces sa 7:56 minuto ng third quarter.

Tampok dito ang Flagrant Foul Penalty 1 ni Alaska import Henry Walker kay Rain or Shine center Beau Belga.

Ikinasa ng Elasto Painters ang pinakama-laki nilang bentahe sa 26 points, 71-45, sa 5:30 ng nasabing yugto bago nakalapit ang Aces sa 74-83,  6:48 ng final canto bago nagtuwang sina Chan, Lee at Chris Tiu para sa komportableng 97-81 bentahe ng Rain or Shine sa huling 3:05 minuto nito.

Tumapos si Lee na may 21 markers, kasama dito ang 5-of-7 fieldgoal shooting at 8-of-8 clip sa free throw line, habang may 18 points si Chan at 10 si Tiu.

Binanderahan naman ni Vic Manuel ang Aces sa kanyang 22 points kasunod ang 18 ni Walker at 11 ni JVee Casio.

Samantala, tatangkain ng nagtatanggol sa koronang San Mig Coffee na makapasok sa kanilang pang-27 finals appearance at tsansa para sa PBA Grand Slam sa pagsagupa sa Talk ‘N Text sa Game Three ngayong alas-8 ng gabi sa Big Dome.

Kinuha ng Mixers ang malaking 2-0 bentahe sa kanilang semifinals showdown ng Tropang Texters matapos angkinin ang Game One via overtime, 92-88 at ang Game Two, 93-85, para makalapit sa kanilang pang-apat na sunod na finals appearance.

“It’s a best-of-five. It’s only two and we need only one, and if any team is capable of coming back, Talk ‘N Text is,” ani Tim Cone, hangad ang kanyang ika-29th finals stint.

 

ARIZONA REID

BEAU BELGA

BIG DOME

CHRIS TIU

ELASTO PAINTERS

FLAGRANT FOUL PENALTY

GAME ONE

GAME TWO

N TEXT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with