Huey at inglot kampeon sa Aegon

MANILA, Philippines - Tinalo nina Fil-Am Treat Conrad Huey at Brit Dominic Inglot ang nag­­dedepensang sina Ale­xander Peya ng Austria at Bruno Soares  ng Bra­zil sa pamamagitan ng 7-5, 5-7, 10-8 panalo para pag­harian ang doubles event ng Aegon Interna­tional sa Eastbourne, Great Britain.

Nauna nang sinibak ng tambalang Huey-Inglot ang wild card pair ni­na Colin Fleming at Ross Hutchins ng Great Bri­tain, 7-6 (2), 6-3, na ipinagpaliban noong Huwebes dahil sa kadiliman.

Ito ang unang kam­peo­nato nina Huey at Ing­lot sa grass court.

Nakatakdang lumahok sina Huey at Inglot sa Wimbledon sa susunod na linggo para sa kanilang pi­napangarap na kauna-unahang Grand Slam title.

Sa quarterfinals ay pi­natalsik nina Huey at In­glot sina second seed Aisam Qureshi ng Pakis­tan at Leander Paes ng In­dia, 6-4, 6-3, bago isi­nu­nod sina Brit Jaime Mur­ray at Aussie John Peers, 6-3, 7-6 (4), sa round-of-16.

 

Show comments