Kobe Paras nagsisimula nang makilala sa United States

MANILA, Philippines - Gumagawa na ng pangalan sa United States si Kobe Paras, anak ng tanging Rookie MVP winner ng PBA na si Benjie.

Nagpakawala si Paras, 16-anyos, ng 22 points na kinatampukan ng malalaking triples bago na-foul out patungo sa huling 48 segundo ng 57-50 pagkatalo ng Los Angeles Cathedral sa Long Beach Poly sa DeMar DeRozan tournament kahapon.

Iniulat ni Eric Sondheimer ng Los Angeles Times na ang impresibong performance ni Paras ay hinangaan ng crowd na nagsigawan ng “Ko-Be, Ko-Be, Ko-Be” na iginaya sa sikat na Lakers player na si Kobe Bryant.

Nagpunta si Paras sa US noong nakaraang taon para pumasok sa Cathedral kung saan lumaki siya mula sa 6’3 guard sa pagiging 6’6 forward.

Sa laban kontra sa Poly, nag-step-up si Paras sa pagkawala ni Lucas Siewert,  ang 6’10 junior mula sa Brazil na kilala sa kanyang shooting skills sa paglalaro bilang center.

“He’s OK,” sabi ni Cathedral coach William Middlebrooks ukol kay Paras, kabilang sa Phl team na nakapasok sa FIBA 3x3 World Championship sa Jakarta, Indonesia kung saan itinanghal siyang slam dunk champion matapos talunin ang mga pambato ng US, Spain at China.  “He’s got a lot to learn.”

Sinabi ni Paras, ipinanganak noong 1997 nang sumisikat pa lang si Bryant, na ginanahan siya sa sigaw na ‘Kobe’ ng mga tao. “It’s motivation when they scream my name, I can get pumped,” sabi ni Paras sa LA Times.

 

Show comments