MANILA, Philippines - Dahil sa kanyang impresibong panalo kay dating world light welterweight champion Ruslan Provodnikov noong Linggo ay isinama ang pa-ngalan ni Chris Algieri sa listahan ng mga posibleng labanan ni Manny Pacquiao sa Nobyembre 22.
Ito ang ibinunyag ni Top Rank Promotions vice-president of boxing operations Carl Moretti kaugnay sa pagkukunsidera nila kay Algieri na susunod na kalaban ni Pacquiao.
Sinabi ni Moretti na ilalahad nila ni promoter Bob Arum kay Pacquiao sa susunod na buwan ang mga posible nitong labanan sa Nobyembre 22 sa Macau, China.
Ang istilo ng 5-foot-11 na si Algieri ang inaasahang magbibigay ng magandang laban sa 5’6 na si Pacquiao.
“We haven’t seen that style with Manny, so, that is intriguing because you’re talking about a guy who is on the outside and has a long jab and a long reach,†wika ni Moretti. “That’s one of the things Manny will speak with Freddie about, but make no mistake, he’s definitely in consideration.â€
Bagama’t napabagsak ng dalawang beses sa first round at nagsara ang kaliwang mata, nagawa pa rin ni Algieri na makipagsabayan kay Provodnikov patungo sa split decision win nito sa Barclays Center sa Brooklyn.
Ang 30-anyos nga-yong si Algieri ang bagong World Boxing Organization (WBO) light welterweight king.
Maliban kay Algieri, nasa listahan din para makaharap ng 35-anyos na si Pacquiao si Juan Manuel Marquez, habang hindi naman ibinunyag ni Moretti kung sino ang iba pang ikinukunsidera.
Sinabi ni Algieri handa siyang labanan si Pacquiao, ang WBO welterweight ruler, saan man sa light welterweight o welterweight division.
“The sky’s the limit from here,†wika ni Al-gieri. “It will be interesting to see where everything is going to fall.â€