Natapos na ang paghahari ng Spain
RIO DE JANEIRO – Magkakaroon ng bagong champion sa World Cup.
At tila ang Netherlands ang ookupa sa nabakanteng trono.
Tulad ng France noong 2002 at Italy noong 2010, uuwing luhaan ang defending champion Spain.
Winasak ng Chile ang anim na taong dominasyon ng Spain, ang European at world champions na naubos na pagdating sa Brazil.
Nakita ang kanilang panghihina noong nakaraang linggo nang lumasap ng 5-1 kabiguan sa Ne-therlands bago ang simple at ordinaryong pagkatalo sa physical at mabibilis na Chile, 2-0.
Ang Netherlands na nanalo sa Australia, 3-2 at Chile ay sigurado nang uusad sa knockout round matapos ipanalo ang kanilang unang dalawang matches. Magsasagupa sila sa Lunes upang malaman kung sino ang mangunguna sa Group B at kung sino ang makakaiwas sa host Brazil sa unang knockout game sa June 28.
Sa iba pang laro, sini-guro ng Croatia na hindi na uusad pa ang Cameroon matapos ang 4-0 panalo.
Nanalo naman ang Ivory Coast sa kanilang opener kontra sa Japan, 2-1.
- Latest