^

PM Sports

LeBron magbabakasyon muna bago magdesisyon

Pang-masa

MIAMI -- Aalis si LeBron James para sa isang family vacation.

Sinabi ng Miami Heat star na ang pagbabakasyon kasama ang kanyang pamilya ang kanyang prayoridad ngayon.

At sa kanyang paglayo sa basketball ay susubukan naman niyang kalimutan ang nangyari sa nakaraang season kasabay ng pagtutok sa hinaharap.

“I just want to win. That’s all that matters to me,’’ sabi ni James matapos ang kanilang pinakahuling team meeting kung saan sinabi sa kanila ni coach Erik Spoelstra na wala silang dapat ikahiya matapos mabigo sa NBA Finals.

“I haven’t even begun to even think about what my future holds or what I have in store. I will sit down with my team at some point, my family as well,” ani James. “If my family is happy, then I’m happy and able to perform at a high level.’’

Sa kanyang unang apat na taon sa Miami ay natulungan ni James ang Heat na makapasok sa apat na sunod na NBA Finals. Tampok dito ang dalawang sunod na NBA championships para sa four-time MVP.

Ngayon ay maaari na siyang magbakasyon.

Sina James, Dwyane Wade at Chris Bosh ay magiging free agents at sinabing hindi lilipat sa ibang koponan. Unang nagsama-sama sina James, Wade at Bosh noong 2010.

“I feel more at ease this time,’’ sabi ni James. “2010, it was out of control. It was the craziest summer I’ve ever been a part of. ... I’m definitely in a better place right now even though in 2010 I got put out in the postseason earlier than I expected or didn’t accomplish what I wanted to, and I have kind of the same feeling now.’’

Ayon kay James, mayroon pa silang hanggang Hunyo 29 para ipaalam sa Heat kung gusto nilang gamitin ang kanilang ka-rapatan para maging free agents.

 

AALIS

AYON

CHRIS BOSH

DWYANE WADE

ERIK SPOELSTRA

HUNYO

JAMES

MIAMI HEAT

SINA JAMES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with