Manila Bay Clean Up Run-Takbo Sabado 2

MANILA, Philippines - Magkakaroon ng limang linggong preparasyon para sa mga sasali ng Manila Bay Clean Up Run.

Inaanyayahan ang lahat na sumali sa isang running clinic na tinaguriang “Takbo-Sabado 2.” sa natitirang Sabado ng Hunyo hanggang sa ika-5 ng Hulyo sa pagtataguyod ng Manila Broadcasting Company -  DZRH at pakikipagtulungan ng  National Collegiate Athletic Association. 

Tuwing Sabado, iba’t iba ang tatalakayin gaya ng fitness development, hydration, injury prevention, lifestyle modification at mga sikreto para magtagumpay.

Mga batikang national athlete at volunteer runners ang mangangasiwa sa group training routines na magtatapos sa isang pace-guided 5-kilometer run sa palibot ng CCP complex.

Inaasahang pagkatapos ng Takbo-Sabado running clinic, mas marami pa ang sasali sa Manila Bay Clean Up Run ng MBC na gaganapin sa Hulyo 13, kasabay ng ika-75 anibersaryo ng DZRH.  Maari na’ng magpa-rehistro sa 3-km, 5-km, 10-km at 21-km runs sa MBC lobby, o di kaya sa ROX Global City, Planet A Sports sa Trinoma, at Athlete’s Foot sa Alabang Town Center. 

Maaring matunghayan ang iba pang detalye sa facebook page ng Manila Bay Clean Up Run.

Show comments