Fil-Am players ng softball ‘di pa sigurado

MANILA, Philippines - Inutusan ni PSC chairman Ricardo Garcia ang pamunuan ng Amateur Softball Association of the Philippines (ASAPhil) na makipag-ugnayan ang mga ito sa Olympic Council of Asia (OCA) para madetermina kung makakasama ba sa pambansang koponan ang mga Fil-Americans na balak kunin para palakasin ang tsansa na manalo ng medalya sa Incheon Asian Games.

Limang Fil-Ams sa pangunguna ni University of Las Vegas Nevada infielder Garie Blando ang inaasinta ng koponan para mahigitan ang pang-apat na puwesto na tinapos ng koponan sa Asian Women’s Softball Championship sa Chinese Taipei noong nakaraang taon.

Nababahala si Garcia sa diskarteng ito ng ASAPhil dahil may alituntunin ang OCA patungkol sa residency requirement at maaaring mag-aksaya lamang ng pera ang pamahalaan kung isasama sa delegasyon ang mga Fil-Ams pero hindi makakapaglaro sa Asian Games sa Setyembre. Idinagdag pa niya na sa unang meeting ng Task Force ay ibinigay na nila ang mga technical handbooks.

 

Show comments