MANILA, Philippines - Hindi na sinayang ng No. 1 Talk ‘N Text ang pagkakataong makapasok sa semifinal round matapos nilang sibakin ang No. 8 Barako Bull, 99-84, sa 2014 PBA Governors’ Cup kagabi sa Smart Araneta Coliseum.
Umiskor si Niño ‘KG’ Canaleta ng 25 points, kasama dito ang 6-of-11 clip sa three-point range, habang may 24 markers si import Paul Harris kasunod ang 16 ni Jayson Castro at 14 ni Ranidel De Ocampo para sa Tropang Texters, humawak ng ‘twice-to-beat’ advantage laban sa Energy Cola.
Lalabanan ng Talk ‘N Text ang mananalo sa pagitan ng No. 4 San Mig Coffee at No. 5 San Miguel Beer na naglalaro pa habang sinusulat ang balitang ito, sa best-of-five semis series.
“No matter who we play it’s gonna be a tough series,†sabi ni coach Norman Black sa semis. “I don’t really care who we play against. It’s just about my team focusing on our goals.â€
Ipinoste ng Barako Bull ang 56-47 kalama-ngan sa 8:16 ng third period kasunod ang pagpapakawala ng Talk ‘N Text ng 20-7 atake para kunin ang 67-63 bentahe sa hu-ling 2:12 minuto ng laro.
Itinumpok ng Tropang Texters ang 18-point lead, 97-79 sa huling 3:18 minuto ng fourth quarter para sibakin ang Energy Cola.
Nauna nang ginulat ng Barako Bull ang Talk ‘N Text, 88-74, noong Hun-yo 10 kung saan kumolekta si import Allen Durham ng 28 points at 29 rebounds.
Samantala, sisikapin ng No. 2 Rain or Shine at No. 3 Alaska na makuha ang dalawang semifinals ticket sa pagsagupa sa No. 7 Air21 at No. 6 Barangay Ginebra, ayon sa pagkakasunod.
Magtatapat ang Elasto Painters at ang Express nga-yong alas-5:45 ng hapon kasunod ang banggaan ng Aces at ng Gin Kings sa dakong alas-8 ng gabi sa Big Dome.
Kapwa may bitbit na ‘twice-to-beat’ advantage ang Rain or Shine at Alaska kontra sa Air21 at Ginebra.
Ang mga mananalo sa dalawang match-up na ito ang siyang maghaharap sa isa pang best-of-five semis series.