Sahod ni GM So sinuspindi ng PSC
MANILA, Philippines - Sinuspinde ng Philippine Sports Commission (PSC) ang pagbibigay ng monthly allowance kay Grand Master Wesley So habang wala pa itong pinal na desisyon kung lilipat na nga siya sa United States Chess Federation.
Ito ang inihayag kahapon ni PSC chairman Richie Garcia ukol sa naunang pahayag ng 20-anyos na si So na isusuko ang kanyang Filipino citizenship para katawanin ang US sa mga international chess tournaments.
“Sa umpisa hindi pa namin nadedesisyunan ‘yon kung itutuloy o hindi kasi wala kaming official notice kung talaga bang lilipat siya ng federation o hindi,†wika ni Garcia kay So. “But this week we decided to hold, meaning depending on his decision we will act accordingly.â€
Sa blog site ng kanyang coach na si Susan Polgar ay inilahad ni So ang kanyang kagustuhang lumipat sa USCF mula sa National Chess Federation of the Philippines (NCFP) ni president Prospero Pichay, Jr.
Ito ay dahil sa kabiguan niyang makakuha ng suporta mula sa NCFP.
Si So ay tumatanggap ng monthly allowance na P40,000 mula sa PSC bilang ‘priority athlete’.
“His allowance is suspended until he decides. Nasa kanya na ‘yon kung anong desisyon ang gagawin niya. Kung ayaw na niya, then it’s okay. We will respect his decision,†wika ni Garcia.
Inihayag naman ni Pichay na mananatiling miyembro si So ng NCFP hangga’t wala silang natatanggap na official letter mula sa FIDE, ang international chess governing body, na lumipat na ang Filipino GM sa USCF.
“As far as I know, the process is for him (So) to write the federation he is transferring to then that federation will write FIDE, which in turn writes to us at NCFP if we have objections. And so far, we haven’t received any official communication from anyone,†ani Pichay.
Ang tubong Bacoor, Cavite na si So ay ang kasalukuyang No. 15 sa mundo matapos magkampeon sa nakaraang Capablanca Memorial sa Cuba. (RC)
- Latest