Messi nanguna sa 2-1 panalo ng Argentina sa Bosnia-Herzegovina

RIO DE JANEIRO — Mahigit sa isang oras la­mang ang kinailangan ni Lionel Messi ng Argenti­na para patunayan kung ba­kit siya ang ikinukunsi­dera bilang pinakamahusay na football player sa bu­ong mundo.

Nagsalpak si Messi ng goal sa 65th minute para akayin ang Argentina sa 2-1 panalo laban sa Bosnia-Herzegovina sa una ni­lang laro sa sa Group F sa 2014 World Cup.

Isang left-footed shot ang naikonekta ni Messi matapos kumpletuhin ang kanilang 1-2 connection ni Gonzalo Higuain.

Nakatakda ang Bosnia-Herzegovina sa 1-1 mu­­la sa goal ni Vedad Ibi­sevic sa 85th minute.

“It’s the first game, I was anxious, nervous,” sa­bi ni Messi. “It was important to start with a win. We’ve got to improve cer­tain things, but it was im­portant to start with the three points.”

Sa iba pang laro, tinalo ng France ang Honduras, 3-0, sa kanilang laban sa Group E.

Nagbida si Karim Ben­zema para sa France.

Ang goal ni Honduras goalkeeper Noel Valla­dares para sa France ay na­­kumpirma ng line technology.

 

Show comments